118

Jan 2, 2018 @ 9:56
By

2 libong pasahero stranded sa bagyong Agaton

Dahil sa pag-iral ng signal number 1 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao bunsod ng Bagyong Agaton, hindi na pinayagang makabyahe ang ilang mga barko sa mga lugar na sakop ng babala ng bagyo.

Dahil dito, nakapagtala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa pinakahuling tala ng PCG, umaabot na sa kabuuang 2,055 ang stranded na mga pasahero.

Pinakarami sa mga nabalam na pasahero ay mula sa Northern Mindanao na nakapagtala ng 1,019.

Sa Central Visayas partikular na sa Cebu, nabalam naman ang byahe ng 906 pasahero.

May naitala ring 70 pasahero na stranded sa Eastern Visayas.

Aabot naman sa 17 barko ang hindi nakabiyahe, isa ang motor banca at 38 rolling cargo.

Sa ilalim ng panuntunan ng PCG, hindi pinapayagan na bumiyahe ang alinmang uri ng barko sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm signal, maliban na lang kung ang barko ay magte-take shelter. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?