63

Dec 29, 2017 @ 15:42

2 Liberian nationals na sangkot sa ‘dollar making’ scam, tiklo

Nadakip ng National Bureau of Investigation ang dalawang Liberian national matapos makapangloko ng isang Pinoy na bumili ng kemikal na gagamitin sa paggawa ng US dollar.

Sa isang statement ng NBI, nadakip ang suspek na sina Abraham Victor alias “George” at Harry Shoum Tennessee sa isang entrapment operation sa Malate, Maynila dahil sa kasong swindling o estafa.

Inaresto ang suspek batay sa reklamo ng isang complaint na nagsabing niloko umano siya ng mga suspek matapos siyang magbigay ng $10,000 paid bilang inisyal na bayad sa kemikal na gagamitin diumano sa pag-convert sa isang isang special paper para sa isang tunay ng US dollar.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nagpadala diumano ang mga suspek sa biktima na isang package na naglalaman ng makina para sa paggawa diumano ng dolyares.

Subalit nang buksan ito ng biktima, wala siyang nakita makina kundi kukay berdeng papel na kahugis ng money paper.

Nang manghingi pa ang suspek ng karagdagang $90,000 bilang balanse nito, doon na nagreklamo sa NBI ang biktima hanggang sa ikasa ang entrapment operation.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa dalawang Liberian nationals na nakapiit ngayon sa NBI detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?