29

By

2 lasing dedo sa poste ng kuryente

Todas ang umano’y lango sa alak na dalawang lalaki matapos humampas ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Barangay 29, Laoag City. Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ni Laoag City Police Station (LCPS) officer Pat. Paul John Rosete ang mga suspek na sina Michael Valdez, 32, at John Mark Natividad, 26, parehong taga-Barangay Margaay, Vintar ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng LCPS, galing umano ang mga biktima sa inuman sa Barangay 29 at umuwi sila gamit ang motorsiklo.

Habang binabaybay ang kasada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela si Valdez dahilan upang humataw sila sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng impact, nagtamo sila ng malalalim na sugat sa katawan at ulo, sanhi ng kanilang pagkamatay.

Napag-alaman na ang mga biktima ay hindi nakasuot ng safety helmet noong mangyari ang trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?