82

Dec 30, 2017 @ 14:34
By

2 lasenggero kalaboso sa pagwawala sa kalsada

Kulong at hindi na nakapalag pa ang dalawang pasaway na lalaki matapos mahuli dahil sa paglabag sa ordinansa at pagwawala habang lango sa alak, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kapwa nahaharap sa kasong alarm and scandal, resisting arrest at violation of City Ordinance o pagbabawal na uminom sa pampublikong lugar sina sina Susano Ilagan at Rowel Cagas, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Barangay Marikina Heights.

Batay sa report, naaresto ang dalawa bandang alas-10:45 ng gabi sa kahabaan ng Liwasang Kalayaan, Barangay Marikina Heights nang makatanggap ng tawag ang PCP 9 kaugnay sa pagwawala umano ng dalawang suspek na lango sa alak.

Agad na nagresponde ang pulisya at nang sitahin ang mga suspek ay nagawa pa nilang manlaban kaya napilitan ang pulisya na daanin sila sa dahas kaya agad na nahuli ang dalawa sa tulong na rin ng barangay tanod.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?