207

By

2 lang dapat ang police escorts ni Trillanes – PNP

Sharing is caring!

Binawasan ang nagbabantay sa seguridad ni Senador Antonio Trillianes IV.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana.

Batay aniya sa ginawang ebalwasyon ng PNP sa hiling na renewal ng Protective Security Personnel ng senador, natukoy na mayroon na itong anim na security personnel.

Kaya hindi na pinagbigyan ng pambansang pulisya ang hiling na renewal para sa sobrang security ng senador.

Paliwanag ni Durana, batay sa mahigpit na pagpapatupad ng Alunan Doctrine, dalawang security personnel lang ang pinapayagang italaga sa bawat government officials.

“The non-renewal of the letter orders of the excess security of Sen. Trillanes from the PNP is in compliance with the implementation of “Alunan Doctrine” which provides that government officials can only have two security personnel protecting them,” sabi ni Durana.

Una nang nagreklamo si Trillanes dahil sa pag-recall o pagbawi ng kanyang security details nang wala man lang paliwanag.

Giit ni Durana, dapat ay dalawang security detail lang ang italaga kay Trillanes kung PNP ang tatanungin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?