16

Jan 28, 2021 @ 18:12
By

2 lalaki timbog sa pagbebenta ng baril sa Isabela

Nadakip ng mga awtoridad kahapon ang dalawang lalaking naaktuhang ilegal na nagbebenta ng mga baril sa Ramon, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Pepe,” 69-anyos, at alyas “Lando,” 47-anyos.

Ayon sa ulat, naaktuhan ang dalawa na nagbebenta ng kalibre .45 na pistol at napag-alamang ilegal pala ang kanilang ngeosyo.

Ani Police Maj. Romnick Subia ng Criminal Investigation and Detection Group – Santiago, pagmamay-ari umano ng mga dating kawani ng militar ang mga baril na ibinebenta ng dalawa.

“‘Yong baril daw ay galing sa ex-army. Hindi naman masabi kung sino… Wala pong kaukulang dokumento,” sambit niya.

Nakatakas naman ang isa pang susupek na sangkot din sa naturang krimen.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sina “Pepe” at “Lando” sa mga bagong grupo sa Isabela na ilegal na nagbebenta ng mga armas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Law ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?