men-in-jail-arrested-shabu
By

2 lalaki nahulihan ng droga sa loob ng sementeryo sa Maynila

Sharing is caring!

Dalawa katao ang nalambat ng mga pulis sa Maynila dahil sa iligal na droga.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Jun Calma, 41, at Reynold Santos, 31.

Nahuli sa loob ng Manila North Cemetery ang mga suspek sa Brgy. 372, Sta. Cruz. Nabawi sa kanila ang dalawang sachet ng shabu.

Ayon sa arresting officer na si PO1 Ryan Flaviano, ng Blumentritt PCP, kapwa na nakakulong ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang isasampang asunto laban sa kanila sa piskalya ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?