580

Jan 18, 2021 @ 18:58
By

2 lalaki nag-sex sa tren iniimbestigahan na

Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga pulis matapos mag-viral ang video ng dalawang lalaking nagtatalik sa tren sa Hong Kong.

Ini-record ang video sa walang laman na train carriage sa Tung Chung line.

Sa ulat ng South China Morning Post, sinabi ng MTR Corporation na walang alam ang kompanya sa source ng video o kung kailan ito kinunan.

Wala rin silang natanggap na report mula sa mga pasahero.

Sa viral video, tinakpan ang mga mukha ng dalawang lalaki ng emoji habang isinara na ang Twitter account na nag-post nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?