96
kulong-arrested
Dec 3, 2017 @ 18:01
By

2 lalaki kalaboso sa inuman sa kalsada

Ikinulong ang isang merchandizer at isang golf caddy ng kakaiba nilang trip na ‘one on one’ na inuman at sugal sa Makati City.

Base sa ulat ng Southern Police District, nagpapatrulya ang mga pulis sa Pili Avenue, Barangay West Rembo ala-7:45 ng gabi kamakalawa nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-iinuman sa kalsada.

Hindi na nagawa nina Michael Oprecio, 23, at Rogelio Orquiza, 50, kapwa residente ng lugar na makatakbo nang lapitan sila ng mga pulis.

Nadiskubre ng mga pulis na habang nag-iinuman ang dalawa ay nagsusugal pa ng pusoy.

Bukod sa paglabag sa ordinansa na nagbabawal sa pag-iinom sa kalsada, kakasuhan din ang dalawa ng illegal gambling. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?