693

Oct 21, 2017 @ 19:02

2 lalaki huli sa ‘oral sex’ sa elevator

Tila hindi na nakayanan ng dalawang lalaki ang nararamdamang init ng katawan at isinagawa ang ‘oral sex’ kahit pa nasa loob sila ng elevator ng isang kilalang mall sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Marlon Rivera, nakatalaga sa Cubao Police Station 7, ng Quezon City Police District (QCPD), huling-huli sa CCTV na bino-‘blowjob’ ng 54-anyos na lalaki ang kasamang 27-anyos na kelot sa loob ng elevator ng Gateway Mall sa Cubao, nitong Biyernes dakong alas-11:50 ng umaga.

Matapos umanong mag-shopping, sumakay ang dalawa sa loob ng elevator ng nasabing mall, subalit pagdating sa ika-5 palapag ay huminto ito at pinigilang paandarin ang elevator saka nagsagawa ng ‘oral sex’.

Hindi na inalintana pa ng dalawa na nakikita at nare-record ang kanilang ginagawa ng nakakabit na CCTV sa loob ng elevator.

Batay sa pahayag ng security guard na nakilalang si Agnes Ortiz, na siyang nakatalaga noon sa pagmo-monitor sa CCTV, nagulat siya nang makita ang dalawang lalaki na kapwa nakahubad at tila walang pakialam habang nagsasagawa ng ‘oral sex’ sa nakahimpil na elevator ng mall.

Dahil dito’y agad na itinawag ng lady guard ang napanood sa CCTV sa mga kasamahang guwardiya sa mall at sa mga awtoridad.

Agad namang nagresponde ang mga guwardiya at sapilitang binuksan ang pintuan ng elevator at dito na inaresto ang dalawa.

Sa pulisya, nabatid na ang 27-anyos na lalaki ay isang gym instructor habang ang 54-anyos naman ay nagtatrabaho bilang isang cook.

Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng Cubao Police Station 7 at nahaharap sa kasong grave scandal at paglabag sa Article 200 ng the Revised Penal Code ang dalawa. (Dolly Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?