64
kulong
By

2 lady pusher, timbog sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang babaeng tulak matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police makaraang magbenta ng iligal na droga sa isang police poseur buyer kagabi sa Barangay Calumpang, Marikina City.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang tulak na sina Vivian Dampios, 39-anyos, at Marivic Santos, 55, kapwa residente ng Barangay Calumpang.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Insp. Greco Gonzales, sa No. 111-B MH Del Pilar St., Barangay Calumpang, Marikina City bandang alas-11:00 ng gabi.

Nakatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa pagbebenta ng droga ng dalawang babaeng tulak at nagpositibo sa nasabing lugar kaya agad na ikinasa ang buy-bust operation.

Matapos ang matagumpay na pagbili ng ipinagbabawal na gamot sa mga suspek ng isang nagpanggap na pulis, naging hudyat na ito upang arestuhin sina Dampios at Santos.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng pinaghihinalaang shabu at P500 na ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?