1,102

2 lady boss nagpaliwanag: Gretchen malisyoso, ‘lambing’ normal sa News Production

Sharing is caring!

‘Hug at kiss’ – ang eksenang umano ito ay normal na sa kanilang opisina at ‘di lang si showbiz reporter Gretchen Fullido ang sinasabihan o ginagawan nito.

Ayon ito sa tugon ni Maricar Asprec, ang segment producer ng ‘’, na partner nang isa ring sangkot sa sexual harassment case ni Fullido na si Cheryl Favila, dating ABS-CBN news executive.

Base sa kopya ng answer-affidavit at counter complaint na inihain ni Asprec, binanggit nitong normal lang ang lambingan sa network, lalo na sa News Department, kaya’t balewala sa kanila ang mga yakap at halik.

Ang nasabi umanong gawi ay hindi dapat lagyan ng malisya dahil para kay Asprec, ito ay biro lang sa mga katrabaho at kaibigan.

“‘Yung mga biro katulad ng ‘puwede pa-kiss or kiss na lang daw’ ay mga normal na salita na ginagamit ko, ng mga kaibigan ko at ng ibang tao sa newsroom. Hango ito sa mga joke nina Vice Ganda at Roderick Paulate kung saan sinasabihan nila ang kanilang mga kaibigang lalake ng ‘Pre, pa-kiss nga’. Parte ito ng lokohan at lambingan namin sa Newsroom,” depensa ni Asprec. “I don’t understand bakit binibigyan ng malisya ni Gretchen ‘yun,”

Pati raw ang ‘Thursday Girl’ ay binigyan ng ibang kahulugan ni Fullido, gayong hindi lang umano siya ang itinuturing nitong ‘Thursday girl’ dahil para raw ito sa mga babaeng madalas niyang makasama at hindi dapat lagyan ng malisya.

Aniya, binansagan din niyang “Thursday girls” sa post niya sa Instagram ang mga nakasama sa inuman tulad nina Doris Bigornia, Nadia Trinidad, Tere Salvacion at Bettina Magsaysay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?