16
views

By

2 kumpanyang nagpuslit ng sibuyas, kinasuhan ng Customs

Sharing is caring!

Ipinagharap ng reklamo ng Bureau of Customs (BOC) ng reklamong paglabag sa Customs Modernization Act at Anti-Agricultural Smuggling Act ang mga negosyanteng nasa likod ng pagpupuslit ng sibuyas.

Kasama sa mga ipinagharap ng reklamo si Fernando Diana Jr, may-ari ng Skyrocket at ang kanyang licensed customs broker na si Reynaline Turrado dahil sa pagpuslit ng sibuyas na nagkakahalaga ng P1.8 million na kanyang idineklara bilang mansanas.

Nahaharap din sa kaparehong asunto ang mga may-ari ng Kasaligan International Marketing Corporation partikular sina Emily Maslunga at Virgilio Miranda, presidente at treasurer ng kumpanya at ang licensed customs broker na si Carlos Andrew Alindogan dahil sa pagpuslit ng mahigit 881-thousand pesos na halaga ng sibuyas.

Nag-ugat ang kaso sa joint spot checking na isinagawa ng BOC sa mga containef sa Manila International Container Port (MICP).

Paliwanag ni BOC Commissioner Isidro Lapeña, ang large-scale smuggling ng produktong pang-agrikultura ay itinuturing na economic sabotage.

“More cases will be filed by the Bureau of Customs against importers and brokers involved in the smuggling of onions and other agricultural products. This should serve as a strong warning against unscrupulous individuals. The government is closely monitoring their smuggling activities and the BOC will make sure these smugglers will be prosecuted,” saad ni Lapeña. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?