21

Dec 2, 2021 @ 16:50
By

2 Koreano nagpapatakbo voice phishing fraud sa ‘Pinas, timbog

Arestado ang dalawang South Korean nationals na wanted sa kanilang bansa dahil sa telecommunication fraud.

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit ang dalawa nitong Miyerkoles sa Taguig.

Ayon sa BI, dinakip ang mga suspek dahil sa umano’y panloloko sa kanilang mga biktima ng mahigit 29 million won (P1 milyon) sa pamamagitan ng voice phishing operations.

Nagpapanggap umanong mga ahente ang mga ito, kung saan nag-aalok sila sa mga biktima ng mababang bayad ng interes sa mga pautang.

Kinilala ang mga suspek na sina Han Juyoung, 26, at Kim Sihun, 26.

Agad naman silang ide-deport sa South Korea at ilalagay na rin ang kanilang mga pangalan sa blacklist ng BI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?