50

Oct 22, 2017 @ 15:41

2 Koreano hinoldap ng taxi driver

Dumolog sa pulisya  ang dalawang Koreano na hinoldap ng isang taxi driver kasama ang kasabwat nito sa Malate, Maynila Sabado ng gabi.

Ayon sa mga biktimang sina Jong Ho Lee,42; at Chon Man Park,38, pansamantalang nanunuluyan sa Bay View Park Hotel sa Ermita, Maynila, alas-10:00 ng gabi nang sumakay sila sa isang taxi papuntang Pasay City, ngunit idinaan sila ng hindi nakilalang suspek sa isang makipot na kalsada sa Malate kung saan huminto.

Isang lalaki anila ang lumapit at binuksan ang likurang bahagi ng taxi saka tinutukan sila ng patalim at puwersahang kinuha ang kanilang mga gamit.

Sa salaysay kay PCInsp. Joselito De Ocampo, ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), kabilang sa mga natangay  sa kanila ay ang $2,70, KRW 200,000,  mamahaling gadgets at alahas.

Agad  umano silang  lumabas papalayo ng taxi na hindi rin nila natandaan ang plate number.

Naiwan umano nila sa loob ng compartment ng taxi ang kanilang mga personal na gamit. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?