69

Sep 29, 2018 @ 16:02
By

2 Korean national bistado sa shabu

Nakatakdang ipa-deport ang dalawang Korean national matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa loob ng isang motel sa ikinasang drug buy-bust operations sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon Director Gil Pabilona, nakakulong ngayon sina Hong Daon, 45-anyos at Song Won Seok, 40-anyos sa PDEA regional jail sa San Fernando.

Nabatid na si Daon ay nagtatrabaho bilang isang English translator at mayroong deportation order noong 2016.

Batay sa report, nagpanggap na poseur buyer ang isang PDEA undercover agent at nakipagtransaksyon sa mga Koreanong suspek, Biyernes ng gabi, at nagkasundong magkita sa isang hindi na pinangalanang hotel para magkaabutan at nang aktong ibibigay na ang epektos ay agad nang nalambat ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Ayon pa sa PDEA, palipat-lipat ng hotel ang mga suspek para isagawa ang kanilang iligal na transaksyon na kung saan ay natiyempuhan ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?