18

Jan 21, 2021 @ 19:54
By

2 Korean iligal na nagtatrabaho sa ‘Pinas nasakote

Dalawang Korean ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration dahil sa diumano’y pagtatrabaho sa bansa nang walang work visa.

Inaresto sina Kang Jiwon, 41, at Han Sungmin, 45, sa isang magarang resort sa Lapu-Lapu City matapos isuplong ng mga concerned citizen.

Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., nadiskubre ring overstaying na si Sungmin.

“They are facing criminal charges for violating the Philippine Immigration Act of 1940,” ani Manahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?