158

Oct 14, 2019 @ 15:33
By

2 Korean huli sa pekeng pera

Arestado ang dalawang Korean national nang makumpiskahan ang mga ito ng pekeng peso bills sa loob ng casino sa lungsod ng Pasay Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang mga suspek na sina Seong Bok Min, 52, may asawa, call center manager, at residente ng Barangay Pinag-sama, Bonifacio Global City, Taguig City; at Cheongyeol Yun, 49, may asawa, director ng cosmetic trade industry, ng BGC, Taguig City.

Bagsilbi naman na complainant sina Donna Del Valle, 29, casino cashier, at Rommel Almoite, 35, casino treasury coordinator ng Resort World Manila (RWM).

Base sa isinumiteng report ni Yang, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng RWM na matatagpuan sa Newport Boulevard, Villamor.

Naka-duty bilang kahera si Del Valle nang tangkaing magpapalit ng dalawnag suspek ng casino chips gamit ang counterfeit money na agad namang nadiskubre ng una.

Agad namang humingi ng tulong si Del Valle sa gaming duty officer na si Catherine Gaa, 34, na sanhi ng agarang pagkakaaresto ng dalawang dayuhan at dinala sa tanggapan ng Villamor Police Community Precinct.

Narekober kay Yun ang 11 pirasong pekeng P1,000 bills habang apat namang P1,000 bills ang nakumpiska kay Bok Min.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?