166

By

2 konsehal ng Makati, isinumbong sa mga ‘ghost employee’

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Makati City Mayor Abby Binay-Campos na dalawa sa 16 konsehal na kumalas sa kanya ay isinunumbong sa diumano’y katiwalian.

Sinabi ni Campos na nakatanggap siya ng mga salaysay na nagkukumpirma sa diumano’y kalokohan nina Councilors Ferdie Eusebio at Divine Jacome.

Dagdag pa nito, inaasahan niya na magkakaroon din ng mga katulad na hakbang sa iba pang konsehal.

Aniya ang mga sumbong sa kanya ang dahilan kayat kumalas sa kanya ang ilang konsehal at gumagawa lang ang mga ito ng drama para pagtakpan ang mga alegasyon.

Binanggit pa nito na ginagamit ang kanyang amang si dating Vice President Jejomar Binay.

“Natunugan nila na pinapaimbestiga ko ang mga ghost employees nila. And now I have written statements from witnesses attesting to this. I will endorse this matter to the Ombudsman for appropriate action,” sabi pa ni Campos.

Kinumpirma din nito na ang mga kumalas na konsehal ang nambubuyo sa kanyang kapatid, si dating Mayor Junjun Binay, na kalabanin siya sa 2019 midterm elections.

Aminado naman si Campos na naapektuhan ang pagbibigay serbisyo sa mga taga-Makati bunga ng mga hakbang na ginagawa ng mga kumalas na konsehal sa Sangguniang-Panglungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?