17

Jul 27, 2020 @ 11:26
By

2 kongresista COVID positive

Dalawang kongresista na ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito’y dahil nagpositibo rin sa COVID-19 si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos sumailalim sa swab test na bahagi ng health protocol na ipinatupad ng kapulungan para sa pagbabalik sesyon ng Kongreso na kasabay rin ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ito mismo ni Pimentel na kasalukuyan nang sumailalim sa quarantine.

Unang inanunsyo ni House Secretary General Lawyer Jose Luis Montales na nagpositibo rin sa COVID-19 si Sulu Rep. Samier Tan.

Bahagi ng health protocol ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na isailalim sa rapid testing at swab test lahat ng mga personal na dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte.

Bukod sa dalawang nabanggit na kongresista, umabot na sa kabuuang 20 empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19 at tatlo rito ay pumanaw na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?