By

2 kelot timbog sa damo sa Makati

Sharing is caring!

Bagsak sa kulungan ang magkaibigan matapos makumpiskahan ng marijuana sa Makati City madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang dalawa na sina John Joseph Coronel, 19, ng Pasong Tamo, Quezon City at Niel Eres, 18, Pasong Tamo, Makati City.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga pulis sa Malugay street ala-1:30 nang mapansin nila ang dalawa na kahina hinala ang kilos.

Nang sitahin, magsisindi na ang dalawa ng marijuana stick at nang sila ay kapkapan ay nakuha sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng mga damo ng marijuana at drug paraphernalia.

Dinala na sa PDEA ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaso. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?