17

Oct 16, 2021 @ 20:45
By

2 kelot timbog sa 240 kilo ng shabu

Nasabat sa isang buy-bust operation ngayong Sabado ang 240 kilo ng hinihinalang shabu mula sa dalawang lalaki sa Brgy. Salitran 2, Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Blanco Jr., 37 anyos, at Megan Lemon Pedroro, 38 anyos, na batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mga residente ng Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal.

Tinatayang nagkakahalaga ng P1.656 milyon ang shabu na nakolekta mula sa mga suspek.

Nakuha rin mula sa kanila ang isang puting Toyota Hi Ace.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?