15

Oct 7, 2021 @ 14:12
By

2 kelot tiklo sa iligal na armas

Arestado ang dalawang lalaki sa Sariaya, Quezon nitong Miyerkoles matapos mahulihan ng ‘di lisensyadong baril at mga pampasabog.

Kinilala ang dalawa bilang sina Erlindo Custodio, 53, at Wilfrido Caparaño, 60.

Dinakip ang mga suspek sa bisa ng arrest warrant dakong alas-2:00 a.m. ng umaga sa Barangay Manggalang 1.

Nakuha mula sa dalawa ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine, 11 bala at isang granada.

Pinaghihinalaan din na miyembro ng New People’s Army ang mga suspek dahil sa mga nakitang dokumento.

Sasampahan sila ng kasong possession of unlicensed firearms and explosives. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?