22

Oct 3, 2021 @ 11:47
By

2 kelot tiklo sa buy-bust sa Bohol

Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos sumabit sa isang buy-bust operation sa Pangalo, Bohol.

Kinilala ang mga suspek na sina Romel Catubag Gulayan, 40 at Jomar Bernaldez Bongo, 23.

Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli ang dalawa sa Barangay Danao ng naturang bayan matapos pagbentahan ng shabu ang isang awtoridad.

Nasabat sa dalawa ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu at buybust money.

Dahil dito, mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?