69

Jun 25, 2022 @ 14:57
By

2 kelot pinugutan sa Samar

Pugot ang ulo ng dalawang lalaki nang pagtatagain ng 5 suspek sa Gandara, Samar nitong Miyerklues.

Kinilala ang mga nasawing sina Renato Palambergo, 54-anyos, at Dionesio Caber, 58-anyos habang nakaligtas ang kanilang kasamang si Gil Magbutay, 50-anyos.

Bandang alas-3:00 ng hapon naganap ang insidente sa isang koprahan sa nasabing lugar, ayon kay Gandara Municipal Police Station chief PLT. Norvin Carbonera.

Isinalaysay naman ni Magbutay, dumating ang limang lalaki na may mga armas saka pinagbabaril sina Palambergo at Caber at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at saka pinugutan.

Agad umanong tumakas ang mga salarin.

Hawak ngayon ng mga pulis si Magbutay na magiging saksi.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen at inaalam ang motibo ng pagpugot.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?