20

By

2 kelot kalaboso sa sugal na dice

Sharing is caring!

Hindi na nakapalag pa ang dalawang lalaki kabilang ang isang menor de edad matapos mahuling nagsusugal gamit ang dice makaraang maispatan ng mga nagrorondang pulis sa Caniogan, Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director SSupt. Romulo Sapitula, kinilala ang dalawang suspek na sina John Jacob Penetrante y Bundalian, nasa hustong gulang at isang menor de edad na nakilala lamang sa alyas na Toto, 14-taong gulang, kapwa residente ng Barangay Caniogan, Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act/dice si Penetrante habang dinala naman sa local social welfare office si Toto.

Batay sa report, nag-iikot ang pulisya nang mamataan ang kumpol ng kalalakihan na nag-iingay habang nagpupustahan sa larong dice bandang 5:45 kamakalawa ng hapon sa Barracks, Barangay Caniogan, Pasig City.

Nang lapitan ay mabilis na nagkalasan ang mga ito at nalambat lamang ang dalawa. Nakumpiska sa kanila ang P300 cash na pantaya at dice.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell ang suspek. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?