11

Jul 31, 2021 @ 15:58
By

2 kelot arestado sa buy-bust

Nalambat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation nitong Biyernes ang dalawang lalaking drug pusher sa Sultan Mastura, Maguindanao.

Kinilala ang mga suspek na sina Alinor Taurac, 40-anyos, at si Ibra Farhan, 43, na isang barangay kagawad ng Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur.

Isinagawa umano ang operasyon dakong alas-4:00 p.m. ng hapon sa Barangay Tambo, kung saan isang undercover agent ang pinagbentahan ng dalawa ng 500 gramo ng shabu.

Tinangka pa umano nilang tumakas nang mahalatang undercover agent ang kanilang katransaksyon ngunit sila’y nabigo.

Tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang nakumpiskang shabu mula sa dalawa.

Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?