28

By

2 kawatan patay sa shootout sa Calamba

Sharing is caring!

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dalawang suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Purok 7, Brgy. Pansol, Calamba City kaninang madaling araw.

Sa ulat ni PNP CALABARZON Spokesperson Police Supt Chitadel Gaoiran ala-1:40 ng madaling araw kanina habang natutulog ang biktimang si Angelo Gelo Arcita 17 anyos sa loob ng kanilang tindahan nang makarinig ng katok.

Binuksan nya ang pintuan ng kanilang tindahan at tumambad sa kanya ang dalawang magnanakaw na nagpanggap pang customers, pero biglang naglabas ng patalim ang mga ito at nagdeklara ng hold up.

Tinangay ng mga suspek ang halagang P8,000 at dalawang bote ng lambanog at tumakas sakay ng tricycle.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis, kaya naging target sila sa hot pursuit operation ng mga pulis.

Sa operasyon naabutan ang mga suspek at nakipagbarilan pa sa mga pulis dahilan para tamaan sila sa ibat ibang parte ng kanilang katawan

Isinugod pa sila sa JP Rizal Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.(RED FORTALEZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?