13

Sep 27, 2021 @ 19:31
By

2 katao arestado sa shabu

Himas-rehas ang kinahantungan ng dalawa katao matapos mahulihan ng shabu sa isang entrapment operation ngayong Lunes sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Ton Ton Kudarat, 31-anyos; at Zanaira Inra, 26-anyos.

Nakorner ang dalawa sa tapat ng Providence Memorial Park sa Barangay Gaya-gaya dakong alas-2:00 p.m. ng hapon.

Nakuha sa kanila ang 300 gramo ng shabu na may halagang P2 milyon, na isinilid pa sa plastik pang-yelo.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?