5

By

2 karnaper dedbol sa shootout sa QC

Sharing is caring!

Namatay ang dalawa sa apat na karnaper matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City kaninang madaling-araw.

Ayon kay QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., tinatayang nasa edad 30-35, may taas na 5’5”, nakasuot ng berderng long sleeve, brown short pants at sapatos ang isa sa mga suspek habang ang kasama nito ay nasa edad 25-30, may taas na 5’2”, nakasuot ng asul na rubber shoes, t-shirt, fatigue shorts at may mga tattoo sa katawan.

Sa inisyal na report, ala-1:15 ng madaling-araw (December 8), sakay ng motorsiklo ang biktimang si Jeremy James Capucheno, 36, nang harangin, tutukan ng baril at puwersahang tangayin ng apat na kalalakihan ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Aurora Boulevard malapit sa kanto ng Anonas Avenue, Brgy. Quirino 2-A ng nasabing lungsod.

Nang makaalis ang mga suspek ay nagsumbong ang biktima sa pulisya na agad namang nagsagawa ng dragnet operation.

Naispatan ang mga suspek dakong alas-2:10 ng madaling-araw gamit ang ninakaw na sasakyan sa Bukid Area Site sa C.P. Garcia Avenue malapit sa kanto ng Magiting St., Brgy. UP Campus, Diliman, habang ang dalawa sa mga karnaper ay sakay naman ng motorsiklo na walang plaka.

Mabilis na hinarang at nilapitan ng mga pulis ang mga suspek at inatasang sumuko subalit sa halip na tumigil ay bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Dahil dito ay gumanti ng pamamaril ang mga awtoridad kung saan dalawa rito ang duguang bumagsak sa sinasakyang nakaw na motorsiklo habang ang dalawa ay nakatakas.

Nasamsam ng SOCO sa lugar ang dalawang kalibre .38 na walang serial numbers, tatlong sachets ng shabu.

Nabawi naman ang Honda motorcycle (NE19478) na ninakaw sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?