21

Apr 15, 2021 @ 19:13
By

2 kandidata ng Miss Universe 2020 sapol ng COVID

Nagpositibo sa coronavirus sina Miss Universe 2020 bets Alina Luz Akselrad ng Argentina at Adline Castelino ng India.

Sa kani-kanilang Instagram account ibinunyag ng dalawa ang pagpositibo.

Iniulat ang COVID case ni Adline noong April 12 habang kinabukasan si Alina.

Gaganapin ang Miss Universe 2020 sa Florida, USA sa May 16 (May 17 sa Pilipinas).

Nasa Amerika na ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?