13

Apr 18, 2021 @ 16:54
By

2 kalaban sapol ng COVID: Laban ni Thirdy suspendido

Naudlot ang paghaharap ng San-En NeoPhoenix at Shinshu Brave Warriors matapos magpositibo ang dalawang manlalaro sa COVID-19.

Nitong Sabado ay kumpirmadong dalawang player mula Shinshu ang tinamaan ng new coronavirus.

Ang dalawang player ay unang nakipaglaban sa Kyoto Hannaryz, kung saan dalawa ring player at isang staff ang nagpositibo sa virus.

Dahil dito’y sa susunod na linggo na ulit makikita sa aksyon si Thirdy Ravena kung saan haharapin nila ang Osaka Evessa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?