81

Dec 18, 2017 @ 15:17

2 jersey ni Kobe Bryant, isasabit sa Staples Center

Pararangalan ng Los Angeles Lakers si Kobe Bryant at nakatakdang isabit ang dalawang jersey nito sa Staples Center wall sa Lunes (Martes, Manila time) sa isang halftime ceremony sa laban ng LA kontra defending champion Golden State Warriors.

“As a kid growing up in Italy, I always dreamed of my jersey hanging in the Lakers’ rafters, but I certainly never imagined two of them,” ani Bryant sa AFP.

“The Lakers have bestowed a huge honor on me and I’m grateful for the fans’ enthusiasm around this game.”

Isasabit ang parehong jersey numbers ni Bryant na ginamit niya sa Lakers, ang No. 8 at No. 24 jersey – sa dalawang dekada niyang karera.

May iskor na 33,643 si Bryant, ikatlo sa pinakamataas sa NBA history sa likod nina Kareem Abdul-Jabbar at Karl Malone, matapos magretiro noong 2016.

Isinuot ni Bryant ang No. 8 noong 1996 hanggang 2006 bago ginamit ang No. 24 sa huling bahagi ng kanyang 20-year career na ginugol niya sa Lakers lamang.

Siya ang ika-10th player na paparangalan ng Lakers na isasabit ang jersey sa Staples Center wall kahanay ang jerseys nina Wilt Chamberlain, Elgin Baylor, Gail Goodrich, Magic Johnson, Abdul-Jabbar, Shaquille O’Neal, James Worthy, Jerry West at Jamaal Wilkes.

Magdadaos naman ng isang Bryant-themed na street festival sa labas ng Staples Center na tatawaging ‘Kobeland’ bilang panahog sa seremonya.

Kaugnay nito, ayon kay Golden State star Kevin Durant, isa sa paborito niyang alaala kay Bryant ay nang walisin ng Oklahoma City Thunder ang Lakers sa second round ng playoffs noong 2012.

“That was a proud moment, playing so well, and finally beating his team in the playoffs,” ani Durant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?