106

Dec 19, 2017 @ 14:42

2 jersey ni Kobe Bryant inihanay na sa Lakers greats’ uniforms

Nagbigay ng pagkilala si Kobe Bryant sa Lakers greats nitong Lunes (Martes, Manila time) matapos iretiro ng NBA ang jersey Nos. 8 at 24 nito sa Staples Center.

Isinabit at inihanay ang dalawang jersey ng future Hall of Famer sa Staples Centers rafters kasama ang playing uniforms ng Lakers greats na sina Wilt Chamberlain (13), Jerry West (44), Magic Johnson (32), Kareem Abdul-Jabbar (33), Shaquille O’Neal (34), James Worthy (42), Elgin Baylor (22), Gail Goodrich (25) at Jamaal Wilkes (52).

“Growing up and watching all these great players play and learning so much from them, to now be a part of that wall means everything to me. Legacy is really important in the sense of what we have done is awesome, but what is more important for a legacy is how that affects the next generation,” ani Kobe.

Nilaro ni Kobe ang 20 years niya sa NBA lahat sa Lakers, na nanalo ng limang NBA titles, isang MVP award at dalawang Finals MVPs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?