31

By

2 Japanese sluggers, pampatigas ni Sultan

Sharing is caring!

Dalawang batang Japanese boxers, isang 20-anyos na World Boxing Council Youth super bantamweight champion at isang 18-year old knockout artist ang katuwang ni Jonas Sultan sa paghahanda sa kanyang April 14 bout laban kay International Boxing Federation super flyweight king Jerwin Ancajas sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Kuwento ni Edito Villamor, chief trainer ni Sultan sa ALA Boxing stable sa Cebu, na malaking tulong ang dalawag Japanese sluggers sa training ng challenger na si Sultan.

“This will help him build-up his self confidence and will help him mentally,” wika ni Villamor.

Ayon pa sa trainer, napakalaking oportunidad ito para kay Sultan kaya hindi nila palalampasin ang pagkakataon na maagaw ang korona ni Ancajas.

“He (Sultan) is ready. We are focusing on Jerwin’s (Ancajas) weaknesses,” dagdag nito.

Nakatakda ang kauna-unahang all-Pinoy title showdown nina Sultan (14-3 win-loss, 9 knockouts) at ni Ancajas (29-1-1 W-L-draw, 20 KOs) pagkalipas ng 98 taon nang maglaban din ang dalawang Pinoy para sa isang pandaigdigang titulo.

Sila ay sina Pancho Villa at Clever Sencio sa Wallace Field sa Maynila taong 1925 na pinagwagian ng una via unanimous decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?