43

By

2 jail officer tinambangan: 1 patay

Patuloy ang follow-up operation ng Bacolod Police kaugnay sa pagpatay sa isang jail officer habang sugatan naman ang isa pa matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek sa Barangay Cabug, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Jail Officer 1 Jayvee Jason Vargas, 28, habang sugatan naman si SJO2 Joeby Vargas, 59, kapwa taga-Barangay Handumanan.

Ayon sa report, sakay ng isang puting pick-up ang mga biktima kasama ang tatlong iba pa mula sa Barangay Pahanocoy nang tambangan ng mga armadong suspek bandang 11:50 Biyernes ng gabi sa Purok Katipunan, Barangay Cabug.

Agad nasawi si Vargas sa naganap na pag-atake habang hindi namang nasaktan ang tatlo pang sakay ng pick-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?