36
buy-bust1
By

2 Iranian na sumuko sa ‘Tokhang’ balik-kulungan

Sharing is caring!

Swak sa kulungan ang dalawang Iranian national nang arestuhin ng tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation sa nabanggit na lungsod kaninang madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga suspek na sina Amir Gharehgozlou, 30, nakatira sa No. 1206-A Soler Residences, Sta. Mesa, Manila, at Omid Hosseini, 37, taga-No. 10 Tirona St., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.

Nadakip ang dalawang dayuhan ala-una ng madaling-araw sa Delos Reyes St., Brgy. Milagrosa sa naturang lungsod.

Ayon kay Project 4 Police Station Chief P/Supt. Ophelio Dakila Concina Jr., dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya si Gharehgozlou pero sa halip na magbago ay nagpatuloy pa rin ito sa pagtutulak ng bawal na droga.

Dahil dito ay ikinasa ng mga operatiba ng Project 4 police ang buy-bust operartion laban sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakadakip habang iniaabot ang droga sa isang pulis na nagkunwaring adik.

Nakumpiska sa dalawang dayuhan ang siyam na plastic sachets ng shabu, cellular phone at buy-bust money.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa Project 4 Police Station habang inihahanda ang kasong drug pushing laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?