60
heat-stroke
By

2 inmate na-heat stroke sa General Trias, Cavite

Siksikan sa loob ng selda ang tinitingnang sanhi ng pagkamatay ng dalawang inmate na inatake ng heat stroke sa loob ng General Trias jail sa Cavite.

Nakilala ang mga biktima na sina Manny Libres at Christian Orbita, kapwa preso sa kasong iligal na droga.

Ayon kay P/Supt. Paul Bometivo, hepe ng PNP General Trias, may 160 preso ang nakakulong sa loob ng nakalaang 70 inmate lamang na isang selda na kung saan namatay ang dalawang preso.

Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng dalawang preso na idineklarang dead on arrival na sa pagamutan at posibleng suffocation at heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa.

Nabatid na halos mala-sardinas ang sitwasyon ng mga preso sa loob ng city jail dahil halos lahat ng puwesto ay okupado na maging ang palikuran at daanan ay may mga preso nang nagsisiksikan ang makikita.

Kaya naman samu’t saring mga sakit ang dumadapo sa mga preso, kabilang na ang hika, sipon, pagtatae, pulmonya, galis at iba pa na kahit mga preso ay kinatatakutan ang mga nasabing sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?