66

Jun 2, 2020 @ 11:47

2 inmate na COVID positive, tumakas sa Delpan, Maynila

Nakalusot ang dalawang inmate na tinamaan ng COVID-19 sa quarantine facility sa Delpan, Manila.

Ayon kay Manila Police District Brig. Gen. Rolando Miranda, bandang alas-7 ng umaga ng makatakas ang dalawa habang naka-quarantine.

Ang dalawa ay detainee ng Sta. Ana Police sa mga kasong may kinalaman sa child abuse at iligal na droga.

Ilang oras naman ang nakalipas ay nahanap na ang dalawang tumakas sa Sta. Ana at naibalik na rin sa quarantine facility.

Hinahanda na ng awtoridad ang mga pwedeng ikaso sa dalawang pasyente dahil sa ginawang pagtakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?