109
shabu-smuggling
Apr 28, 2018 @ 16:32

2 inaresto ng Customs dahil sa ‘shabu packages’

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang katao matapos kunin ang mga bagahe na galing sa California na naglalaman ng mahigit P20 milyong halaga ng imported na shabu.

Kinilala ng Bureau of Customs ang mga suspek na sina Antonio Baguinbin, 38, ng Sta. Ana, Manila at Gundelina David, 64, ng Malate, Manila.

Sabi ni Customs chief Isidro Lapeña, dinakip si Baguinbin matapos nitong kunin ang package na may lamang car seat booster na may lamang shabu na tumitimbang ng dalawang kilo.

Ang kanyang bagahe ay naka-consign sa isang Arnel Montilla ng Makati City at pinadala galing California ng isang Schiit Audio noong Abril 23.

Samantala, inaresto naman si David dahil sa pagkuha ng baby crib na may nakatago ding dalawang kilo ng shabu.

Ang package ay galing sa California at ipinadala ng isang Robert Knight.

Ang shabu packages ay mula sa tip sa BOC ng US Drug Enforcement Administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?