By

2 illegal recruiters, arestado sa Maynila

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang illegal recruiters matapos ang ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Trans National Crime Unit (ATCU) sa lungsod ng Maynila kahapon.

Ayon kay CIDG ATCU Chief Police Supt. Roque Merdeguia, alas-dos ng hapon kahapon nang isagawa ng PNP ang operasyon laban sa suspek na si Marilou Santiago sa Pedro Girl St., cor. Taft Avenue.

Si Santiago ay naaresto habang siya ay kumukuha ng pre-departure orientation seminar fee at nang tanggapin nito ang marked money mula sa mga nagrereklamong biktima na halos lahat ay mula sa Ilocos region.

Ipinangako raw ng suspek at mga kasama nito sa kanilang mga na-recruit na makakapagtrabaho sila sa Japan bilang factory worker at sakahan sa Japan.

Humingi raw ng pera ang suspek sa kanila para umano sa processing fee, medical fees at iba pang bayaran.

Pero sa huli nadiskubre nilang peke pala ang recruiter, dahil dito agad na silang humingi ng tulong sa PNP CIDG ATCU para maaresto si Santiago.

Samantala, isa pang illegal recruiter ang naaresto sa entrapment operation sa Alhambra St., cor. UN Avenue na kinilalang si Geraldine Dy.

Kapwa sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8042 o large scale illegal recruitment ang dalawang illegal recruiter. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?