4

Oct 14, 2020 @ 21:21
By

2 huli sa pagpuslit ng 6 disinfectant spray

Bagsak sa kulungan ang isang lalaki at babae matapos magnakaw ng anim na disinfectant spray sa isang convenience store sa Pasay City, Martes ng hapon.

Kinilala ng Pasay City Police ang mga salarin na sina Maria Cecilia Basa, 29, at Randy Villamoran, 45, kapwa residente ng nabanggit na lungsod.

Nahuli umano ang mga suspek bandang alas-12:45 ng hapon ng mga barangay official habang paalis ng convenicence store dala ang hindi binayarang mga disinfectant na nagkakahalaga ng P1,788.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong theft at kasalukuyan nang nakakulong sa Pasay City Police.

Ayon sa ulat, nagnakaw ang mga suspek ng disinfectant para maibenta ito at makabili sila ng pangkain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?