By

2 holdaper, utas sa engkuwentro vs pulis-Maynila

Sharing is caring!

Patay ang dalawang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Police Superintendent Andrew Aguirre ng Sampaloc Police, hinoldap ng dalawang naka-motorsiklong suspek ang isang babae dakong 2:00 ng umaga sa kanto ng Santiago Street at Mindanao Avenue.

Natangay mula sa biktima ang kanyang bag na naglalaman ng dalawang cellphone, ID at pera.

Tiyempo naman na may rumorondang pulis sa lugar na pinagsumbungan ng tindera.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek na nagpaputok ng baril sa direksyon ng mga awtoridad.

Inabutan ng mga pulis ang mga holdaper malapit sa tulay ng altura kung saan nila ito pinutukan ng baril at napatay.

Dead on the spot sa paanan ng tulay ang isa sa suspek habang dead on arrival naman ang isa pa sa Ospital ng Sampaloc.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?