10

By

2 holdaper tumimbuwang sa pulis-QC

Sharing is caring!

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga awtoridad ang dalawang hindi pa nakikilalang holdaper matapos umanong manlaban sa Quezon City kaninang hatinggabi.

Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang unang napatay na holdaper na nasa edad 25-30, nakasuot ng itim na jacket, berdeng t-shirt, itim na shorts at itim na cap habang ang pangalawa ay nasa edad na 30-35, nakasuot ng itim na jacket, asul na t-shirt at cargo short pants.

Sa inisyal na report, naganap ang engkuwentro dakong alas-12:45 ng hatinggabi (December 7) sa 3K Gen. Merchandise at No. 8 Saint Anthony St., Brgy. Holy Spirit.

Una rito ay hinoldap umano ng mga suspek ang tatlong biktima na agad namang nakahingi ng saklolo kaya nagresponde ang mga operatiba ng Batasan Police.

Sakto namang naispatan ng mga awtoridad ang mga sinasabing holdaper na sakay sa isang motorsiklo na walang plaka sa kahabaan ng AFP Road, Brgy. Holy Spirit.

Mabilis na hinarang ng mga awtoridad ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspek subalit sa halip na ihinto ay pinaharurot pa ng mga ito at pinaputukan ng baril ang mga pulis.

Agad na gumanti ng pamamaril ang mga pulis hanggang sa duguang bumulagta ang mga sinasabing holdaper.

Nasamsam ng SOCO at Criminal Investigation and Detection Unit investigators sa dalawang suspek ang dalawang kalibre . 38; isang sling bag na naglalaman ng iba’t ibang klase ng cellphones; 8 sachets ng shabu at isang Yamaha Mio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }