153

Dec 29, 2017 @ 12:30
By

2 holdaper tiklo habang umiihi sa sementeryo

Sa kulungan na ng Pasay City Police Station sasalubungin ng isang magkaibigan ang bagong taon.

Naaktuhan sina Ricardo Crescini, 26; at Nilo Bertulfo, 22, kapwa miyembro ng Batang City Jail, na umiihi sa pader ng Sgt. Mariano Cemetery, alas-4:30 ng hapon ng Huwebes.

Agad nilapitan ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawa at sinita dahil sa paglabag sa isang ordinansa.

Nang kapkapan ay nakuha sa kanila ang kalibre .38 na baril at isang balisong.

Hinihinala na ang dalawa ay sangkot sa mga holdapan sa lugar at sa sementeryo sila nagtatago. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?