19
views
Valenzuela Holdaper Pulis
By

2 holdaper, patay nang pakikipagbarilan sa mga pulis

Sharing is caring!

Nasawi ang dalawnag holdaper matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila Mayerkules ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang isang holdaper habang namatay ang isa pa habang ginagamot sa ospital.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis pasado alas 2:00 madaling araw ng Miyerkules makaraang magsumbong ang isang babae ang hinoldap siya ng mga suspek sa tulay malapit sa Altura.

Sabi ng biktima, tinutukan umano siya ng patalim bago puwersahang kinuha ang kanyang mga gamit.

Matapos ang insidente, agad dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima.

Sa follow-up operation, naistapatan ng mga pulis ang dalawang suspek.

Nakipagpalitan ng putok ang mga holdaper sa mga pulis hanggang sa bumulagta ang mga ito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang .38 revolver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?