56

By

2 holdaper dedbol sa encounter

Sharing is caring!

Tumimbuwang ang dalawang holdaper na karnaper pa matapos maka-engkuwentro ng mga operatiba ng Quezon City Police District nang holdapin at tangayin ang minamanehong motorsiklo ng isang construction worker sa Brgy. Pinyahan kaninang madaling-araw.

Ayon kay Quezon City Police District Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga hindi pa nakikilalang suspek ay may edad na 25-30, 5’4” ang taas, nakasuot ng gray na short pants, itim na polo shirt at tsinelas habang ang ikalawa ay may edad na 40-45, 5’3” ang taas, nakasuot ng blue t-shirt, itim na pantalon na may tatak na ‘Umbo’ at black helmet.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerome Dollente, ng Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang engkuwentro dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa NIA Road malapit sa gate ng BIR office sa Brgy. Pinyahan.

Bago ang barilan ay hinoldap at tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktimang si Stephen Bermudez, 38-anyos, binata, contruction worker at residente ng Marilao, Bulacan.

Agad namang nakapagsumbong si Bermudez sa mga awtoridad kaya naglatag ng checkpoint hanggang maispatan ang dalawang suspek pero sa halip na huminto ay pinaharurot pa ng takbo ang motorsiklo kaya nagkaroon ng palitan ng putok hanggang masukol at mapatay ang dalawa.

Nasamsam sa mga suspek isang kalibre .40 na baril, isang kalibre .22, isang bag na naglalaman ng gamit, pera at maging ang motorsiklo ng biktima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?