6
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
May 11, 2021 @ 15:52
By

2 hinihinalang pusher, tiklo sa buy-bust

Arestado ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa isang buy-bust operation na isinagawa ng awtoridad sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Jenny De Leon, 24, at Ronnie Pingol, 27, na nahili sa Kamias St., Barangay 118 sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa dalawa ang 15 sachet ng shabu na may timbang na 35 hanggang 40 gramo. Sa tantsa ng awtoridad ay nagkakahalaga ang mga ito ng P272,000.

Bukod sa shabu ay nakumpiska rin sa dalawang suspek ang isang bag at isang P500 bill.

Pansamantalang dinala sa PS14 Custodial Facility ang mga suspek habang ang mga nakumpiskang bagay ay dinala naman sa Manila Police District –Crime Laboratory Department.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?