8
Abu Sayyaf

2 hinihinalang Abu Sayyaf naaresto sa Zamboanga

Sharing is caring!

Dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga pulis sa loob ng isang mall sa Zamboanga City nitong Biyernes, Enero 12.

Kinilala ang mga ito na sina Emran Ismael, alyas Bantong Basinti, at Brayan Mohammad, alyas Pojong Attiun.

Inaresto ang dalawa dahil sa warrant of arrest para sa kasong kidnapping na may serious illegal detention na inisyu ng RTC Branch 1 sa Isabela City, Basilan.

Ayon sa pulisya, sangkot ang dalawa sa pagdukot sa 15 katao sa Golden Harvest Plantation sa Barangay Tairan, Lantawan sa Basilan noong Hunyo 11, 2001.

Itinuro sila ng dalawang saksi na nasa ilalim ng witness protection program ng gobyerno.

Dagdag pa nito, may kaugnayan ang dalawang naaresto sa isa sa lider ng Islamic State-Maute group na si Isnilon Hapilon na napatay ng militar noong Oktubre 16, 2017 matapos kubkubin ang Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?