shootout
By

2 high-value target, patay sa shootout sa Batangas

Sharing is caring!

Nasawi ang dalawang lalaking drug suspect makaraang makipagbarilan sa tauhan ng Batangas Provincial Drug Enforcement Unit kagabi sa Brgy. Matabungkay, Lian, Batangas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marlon Adrias at Marlon Lubugan.

Ayon kay PNP Region 4A Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, alas-9:50 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek na nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok.

Nagtamo ng malalang sugat ang dalawang suspek na agad isinugod sa Apacible Memorial District hospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng barilan ang dalawang caliber .45 pistol at shabu.

Matatandaang sa assumption speech noon ni Eleazar bilang regional director ng CALABARZON, sinabi nitong tutugisin niya ang mga drug suspect sa kanyang areas of responsibility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?